Malacañang, walang kinalaman sa pagpili kay House Speaker Bojie Dy

Binigyang diin ni House Majority Leader Representative Sandro Marcos na walang kinalaman o hindi ang malakanyang ang pumili kay Isabela 6th District Rep. Faustino “Bojie” Dy bilang bagong House Speaker.

Ayon kay Marcos, kinausap nila ang mga lider ng iba’t ibang partido sa Kamara kung sino ang sa tingin nila ay maaring pumalit sa posisyon na iiwanan ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sabi ni Marcos, palaging pangalan ni Rep. Dy ang lumalabas na nais nilang iboto para maging lider ng Kamara.

Binanggit din ni Congressman Sandro na hindi naikonsidera sa posisyon sina Representatives Toby Tiangco at Albee Benitez na parehong matunog noon na nais ding maging House Speaker ngayong 20th congress.

Ayon kay Marcos, tumanggi si Tiangco, habang nagparaya si Benitez para kay Dy.

Facebook Comments