Matutuwa ang mga kawani ng pamahalaan sakaling maging isang ganap na batas ang isinusulong na dagdag sweldo para sa kanila ng kongreso.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang aprubahan ng kamara ang House Bill No. 5712.
Sa ilalim ng panukalang ito, ang Salary Grade 1 na mayroong Php 11, 068 ay magiging Php13, 000 pagdating ng 2023.
Ang mga teachers I, II, III ay madadagdagan ng 30.1%, 37.1% at 24.1%.
Gayunpaman, sinabi ni Secretary Panelo na hindi nila pipilitin ang Senado na aksyunan na rin ang sarili nitong bersyon ng panukala.
Binigyang diin ng kalihim na hindi manghihimasok ang ehekutibo sa trabaho ng ibang sangay ng pamahalaan.
Facebook Comments