Manila, Philippines – Aminado ang Malakanyang na kailangan pang paigtingin ng pamahalaan ang pagtugon sa problema sa kahirapan sa bansa.
Pahayag ito ng Palasyo matapos lumabas sa Social Weather Stations Survey na noong March 25 hanggang 28 na 50% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabi na mahirap sila.
Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinakailangan na ng gobyerno ang tulong ng pribadong sector, civil society at iba pang stakeholders.
Sa ngayon aniya, pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang mga programang makatutulong sa mahihirap.
Kabilang na rito ang mas mataas na pension sa mga senior citizen, libreng gamot sa mga mahihirap at karagdagang incentive at combat pay para sa mga pulis at sundalo.
DZXL558
Facebook Comments