MANILA – Dumipensa ang Malakanyang sa mga naging akusasyon ng dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi maituturing na totoo ang mga alegasyon ni matobato hangga’t wala itong maipakitang ebidensya.Nagulat naman si PNP Chief Ronald dela Rosa sa pagkakadawit sa kanya sa Davao Death Squad.Tinawag ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte nahearsayo sabi-sabi lang ang mga alegasyon ni matobato at hindi rin niya sasagutin ang mga pahayag ng isa umanong baliw.Umalma din ang nakababatang kapatid ng pangulo na si Jocelyn Duterte.Para naman sa ate ni Pangulong Duterte na si Eleonor, may halong politika ang paglantad ni matobato para sirain ang Administrasyong Duterte.Kumpyansa din ang magkapatid na Duterte na hindi makakaapekto sa pangulo ang mga paratang ni Matobato dahil kasinungalingan lamang ito.
Malakanyang At Dalawang Kapatid Ni Pangulong Duterte, Umalma Sa Akusasyon Ni Edgar Matobato Kaugnay Sa Isyu Ng Davao Dea
Facebook Comments