Malakanyang, binalaan ang mga naninira sa vaccination program ng pamahalaan

Binalaan ng Malakanyang ang mga naninira sa nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan.

Kasunod ito ng mga impormasyon na mayroon umanong namimigay ng fliers kung saan nakasaad na peke ang mga ginagamit na bakuna sa mga vaccination rollout.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, paparusahan ang sinumang gumagawa nito lalo pa’t nahaharap sa COVID-19 pandemic ang bansa.


Muli namang iginit ni Roque na epektibo at ligtas ang mga bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments