Nilinaw ng Malacañang na walang pinasisibak si Pangulong Rodrigo Duterte na regional vice president ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, balasahan lamang ang nais na mangyari ng Pangulo.
Kailangan kasi aniya ang malawakang balasahan sa ahensya para maiwasan na maging komportable ang mga opisyal lalo na ang mga matagal na sa posisyon.
Kampante naman si Roque sa pagkakatalaga kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang pangulo ng PhilHealth.
Napili si Gierran sa posisyon dahil isa siyang abugado at certified public accountant.
Facebook Comments