Malakanyang, bumuwelta sa mga kritikong pumuna sa birthday celebration ni Pangulong Duterte

Bumuwelta si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa mga kritikong pumuna kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos umano’y itong magpanggap na mahirap, sa pagdiriwang ng ika-76 na kaarawan nito kahapon.

Ayon kay Roque, batid ng lahat na hindi nagpapanggap na mahirap ang Pangulo dahil kilala ito bilang isang simpleng tao.

Wala rin aniya itong gaanong bisita at bagama’t may mga inihandang pagkain para sa espesyal na okasyon ay wala namang naging paglabag sa anumang ipinagbabawal.


Tinawag naman na ‘crab mentality’ ni Roque ang suhestiyon ng publiko na nagpapanggap lang ang Pangulo sa kaarawan nito dahil nagpakatotoo lang ito.

Ngayong Lunes nakatakdang bumalik sa Metro Manila si Pangulong Duterte para salubungin ang pagdating sa bansa ng 1 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac.

Facebook Comments