Bumuwelta ang Malakanyang sa akusasyon ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na traydor” si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y impluwensiya ng China sa 2016 Philippine elections para masigurong makakaupo ito bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kung may taong maituturing na traydor, ay karapat-dapat dito si Del Rosario dahil ito ang namigay ng teritoryo ng Pilipinas sa China.
Pinayuhan naman ni Roque si Del Rosario na mangilabot sa mga sinasabi nito at mahiya hindi lamang sa kaniyang sarili kundi sa buong bansa.
Sa ngayon, nakiisa si Sec. Roque sa mga abogado at ibang grupo na pag-aralan ang legal liability ni Del Rosario nang isuko nito ang Scarborough Shoal sa China.