Hinimok ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Malakanyang na makipag-dayalogo sa mga hog raisers para maintindihan ang posisyon ng Senado laban sa Executive Order 128.
Diin ni Pangilinan, ito ang dapat gawin ng Malakanyang sa halip na umapela sa Senado na bigyan muna ng tsansa ang na maipatupad ang EO 128.
Nakapaloob sa EO ang pagtaas sa volume ng aangkating pork ng bansa at pagbaba sa taripa nito na syang tugon ng gobyerno sa problemang dulot ng African Swine Fever outbreak.
Samantala, hindi naman kinagat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin nya ang EO kapag lumakas na ang domestic market o ang supply ng baboy sa bansa.
Binanggit din ni Drilon ang kasabihang aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo dahil baka huli na lang lahat at patay na ang local hog industry kapag binawi ng Pangulo ang EO 128.