MANILA- Dumipensa ang Malakanyang sa mga batikos at pagpuna ang talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.Sa talumpati ni P-Noy noong Huwebes, binatikos nito ang pamilya Marcos at nagpahayag ng pagkabahala sa pagbabalik-poder ng mga ito.Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na sa bawat talumpati, nagpapahayag ng makatotohanang saloobin ang Pangulong Aquino.Ayon kay Coloma, ito ang batayan ng pagtitiwala sa kanya ng sambayanang Pilipino.Kasabay nito, nanindigan din ang Malakanyang sa paninisi ni P-Noy kay Sen. Juan Ponce-Enrile at Sen. Bongbong Marcos sa hindi pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).Sa harap ito ng pahayag ni Enrile na ignorante at mangmang sa batas si Pangulong Aquino sa paninisi sa kanila kaya nabigong ipasa ang BBL.Iginiit din ni Enrile na bilang dating senador, alam dapat ni Aquino na hindi maaring kumilos ang senado sa BBL hangga’t hindi pa naipapasa ang panukala sa kamara.Sinabi ni Coloma na nasa rekord ng senado ang pinagbatayan ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati sa EDSA.Ayon kay Coloma, hindi puwedeng itago nina enrile at marcos ang kanilang ginawa para hindi pumasa ang BBL.Matatandaang natagalang maipasa sa kamara ang draft bill dahil sa kakulangan sa quorum ng mga kongresista kaya nagahol na sa oras para sa deliberasyon at kinauukulang debate sa senado.
Malakanyang, Dumipensa Sa Mga Batikos Sa Mga Pagpapasaring Ni Pangulong Noynoy Aquino Sa Kanyang Talumpati Noong Selebra
Facebook Comments