Malakanyang, dumipensa sa pagsama ng halos buong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa official visit sa Russia

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Malakanyang ang pagsama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halos lahat ng miyembro ng gabinete sa official visit sa Russia.

Ito’y matapos punahin ni dating Pangulong Fidel Ramos na tila’y ‘junket’ at halos walang naiwang opisyal ang pangulo sa bansa.

Depensa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – mahalaga ang pagbisita ng pangulo sa Russia na layong palawakin ang saklaw ng independent foreign policy ng gobyerno.


Ang dapat aniya tingan ay yung resulta at pakinabang na makukuha ng Pilipinas sa mga pagbisita nito sa ibang bansa.

Bukod pa dito ang pagbuhos ng pamumuhunan at ang hindi matawarang suporta na ibinibigay ng mga Pilipino abroad.

Nabatid na inulan ng batikos sa social media ang maraming bilang ng delegasyon ng pangulo kabilang si Whistleblower President Sandra Cam at mga artistang tulad nina Robin Padilla at Tourism Promotions Board Cesar Montano.

DZXL558

Facebook Comments