Malakanyang – hinamon ni Sen. Antonio Trillanes na personal na Imbestigahan ang mga Bank Accounts ni Pangulong Duterte sa AMLC, mga bagong pasabog ng Senador – minaliit

15

MANILA, PHILIPPINES – Pinayuhan ng Malacañang si Sen. Antonio Trillanes na magpunta sa anti-money laundering council upang personal na mabusisi ang financial records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo – gumagawa na ng istorya si Trillanes dahil tila hindi na ito pinapansin ng media.

 

Sinabi ni Panelo na matagal na silang nagbigay ng waiver para busisiin ang bank accounts ng Pangulong Duterte, pero hindi ito pinansin ni senador.

 

Minaliit lang din ng Malacañang ang mga bagong pasabog ni Trillanes.

 

Matatandaang ipinakita ni Trillanes ang ilang papeles na naglalaman ng umano’y bilyon-bilyong yaman ng presidente, habang may halos P200 million assets din ang common law wife nito na si Honeylet Avancena.


Facebook Comments