Hindi masabi ng Malakanyang kung hanggang kailan mananatili sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang konsiderasyon kasi kung bakit hindi pa bumabalik ng Maynila ang Pangulo ay dahil na rin sa dami ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Aniya, hindi maitatanggi na maging ang Malakanyang ay napasok na ng virus matapos magpositibo ang ilang empleyado sa mga departamento.
Giit ni Roque, mas ligtas ang kalagayan ng Pangulo sa Davao at komportableng nagtatrabaho doon.
Nabatid na noong isang linggo pa dapat sana babalik sa Metro Manila ang Pangulo.
Facebook Comments