Malakanyang, hinikayat ang publiko na salubungin ang Bagong Taon ng may pag-asa at inspirasyon sa kabila ng mga pinagdaang pagsubok sa taong 2020!

Salubungin ang Bagong Taon ng may bagong pag-asa, kumpiyansa at inspirasyon habang nagpapaalam sa taong 2020 bitbit ang mahahalagang leksyon at alaala.

Ito ang mensahe ng Malakanyang sa sambayanang Pilipino sa pagsalubong ngayon taon 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang hamon na kinaharap ng lahat bilang bansa sa nakalipas na taon ay nakatatakot pero dahil sa tatag ng diwa ng mga Pilipino ay nalabanan at nakatawid mula rito.


Hinimok naman ni Vice President Leni Robredo ang sambayang Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga matinding pagsubok na pinagdaanan sa taong 2020.

Sa kaniyang New Year’s message, sinabi ni Robredo na bago bumalik ang lahat sa kanilang mga trabaho o mga pinagkakaabalahan ngayong 2021, mainam na pagnilayan na mas tumibay ang lahat dahil sa pagharap sa hamon ng pandemya.

Palala ni Robredo, kahit magpalit ng taon, mag-ingat at sumunod pa rin sa mga health protocols at patuloy na magtulungan at alalahanin ang kapwa sa panahon ng krisis.

Samantala, binigyang pugay naman nina Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta at Environment Secretary Cimatu sa kanilang New Year message ang mga health workers at frontlines na patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments