Malakanyang, hinimok ang DSWD na tiyaking nasa ligtas na kalagayan ang anak ni Amanda Echanis

Hinimok ng Malakanyang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyaking nasa ligtas na kalagayan ang isang-buwang taong gulang na anak ni Amanda Echanis.

Ito ay matapos payagan ng Philippine National Police (PNP) na isama ni Amanda ang kaniyang anak matapos siyang arestuhin sa Baggao, Cagayan kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi dapat matulad sa anak ng aktibistang si Reina Mae Nasino ang kahahantungan ng anak ni Amanda, kung saan binawian ng buhay ang tatlong-buwang anak nito matapos mawalay sa kaniyang ina.


Tiniyak naman ni Roque na gagawa ng paraan ang Malakanyang na hindi na ito mauulit para sa kapakanan ng bata.

Matatandaang si Nasino ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives na naaresto noong nakalipas na taon.

Facebook Comments