Hinimok ng Malakanyang ang mga komunistang grupo na itigil muna ang pag-atake para mabigyang-daan ang muling pagbuhay ng peace talks.
Ayon kay Presidential Spokerson Salvador Panelo, kung sinsero ang Communist Party of the Philippine-New Peoples Army (CPP-NPA) sa peace talks, ititigil ng mga ito ang kanilang mga pag-atake.
Kasabay nito, kinuwestiyon din ng malakayang ang sinseridad ng grupo kasunod ng naganap na pag-atake sa Eastern Samar.
Matatandaang tatlo ang patay habang labin-lima naman ang sugatan matapos sumabog ang isang explosive device na umano’y kagagawan ng CPP-NPA.
Facebook Comments