Ikinabahala ng Malakanyang ang posisyon ng Pilipinas sa asignaturang matematiko, siyensya at pagbabasa na nakabatay sa ulat ng World Bank (WB).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagawa na ng aksyon si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones upang mabigyan ng solusyon ang ulat ng WB.
Dagdag ni Roque, isa sa mga maaring hakbang ay ang pagbago ng mga curriculum bunsod ng mga hamon ng blended learning system dahil sa pandemya.
Bukod sa pagiging huli sa mga nabanggit na asignatura, inulat rin ng World Bank (WB) na isa bawat mag-aaral ay hindi marunong magbasa at hindi rin nabibigyan ng sapat na nutrisyon sa pag-aaral.
Facebook Comments