MANILA – Sa kabila ng mga batikos sa Dengue Vaccination Program ng Department of Health (DOH)… Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na ligtas at mabisa ang ginagamit na dengue vaccine at itinuturok sa mga batang mag-aaral sa iba’t ibang lugar sa bansa.Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, pasado sa lahat ng mga pamantayan ang ginagamit na bakuna ng DOH kaya ligtas ito at mabisa.Aniya, kaya ito ipinatupad ng DOH ay para mabawasan na ang mga banta sa kalusugan dulot ng dengue, lalo na sa mga lugar kung saan may pinakamaraming kaso ang naitala.Una na ring tiniyak ng World Health Organization (WHO) na ang bakunang ginagamit ng DOH ay sumusunod sa kanilang rekomendasyon.Matatandaang umani ito ng batikos noon dahil kinwestyon ng ilang doktor ang pagpapatupad nito kahit na wala pang rekomendasyon ang WHO, pero iginiit naman ng organisasyon na maari na itong gamitin kahit wala pa silang inilalabas na rekomendasyon.
Malakanyang, Inalis Ang Pangamba Ng Publiko Sa Dengue Vaccination Program Ng Department Of Health (Doh)
Facebook Comments