Malakanyang, inihayag ang dalawang accomplishment ng pangulo sa kanyang ika-100 araw sa pwesto

Inihayag ng Office of the President na may dalawang pangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinabi niya sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA ang natupad sa kanyang unang 100 araw bilang pangulo ng Pilipinas.

Sa dalawang accomplishment na ito, una ang pagpirma ng executive order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng land amortization at interest payments ng agrarian reform beneficiaries.

Pangalawa ay paglulunsad ng One Repatriation Command Center (ORCC) para sa mga distressed Overseas Filipino Worker (OFW).


Sa October 8, ang ika-100 araw ng pangulo sa pwesto matapos ang kanyang inauguration noong June 30, 2022.

Matatandaang sa unang SONA ng pangulo, sinabi nitong magbibigay siya nang moratorium sa mga magsasaka para mas maging maganda ang kanilang resources nang sa ganun mas maging produktibo ang mga ito na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya.

Habang pinangako rin ng pangulo sa mga Pilipino sa abroad na naiipit sa kaguluhan, inaabuso at nanganganib ang buhay na maglulunsad sya ng One Repatriation Command Center.

Facebook Comments