Malakanyang ipinauubaya na sa DA kung susundin ang mungkahi ng DILG na pagtanggal sa pag ban ng pork products sa ilang lugar sa bansa

Ipinauubaya na ng Palasyo sa Department Agriculture ang pagapapasya sa hiling ng Department of Interior and Local Government na alisin na ang ban sa pork products.

 

Matatandaan kasing kahapon, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat nang payagaan ng mga LGUs ang distribusyon at pagbi-benta ng processed pork products, upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa trade and commerce sa Pilipinas.

 

Iginiit rin ni Secretary Año, na may mga hakbang naman na kasing ginagawa ang pamahalaan upang ma-contain ang pagkalat ng African Swine Flu sa bansa. At maaari namang payagan ang pagbi-benta nito alinsunod sa mga itatakdang kondisyon.


 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Agriculture Secretary Willam Dar ang dapat na magdesisyon dito, dahil teritoryo niya ang usaping ito.

Facebook Comments