Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Malakanyang ang umano’ypagbabayad ni Pangulong Rodrigo Duterte para manguna sa online poll ng timemagazine’s 2017 100 most influential people.
Ito’y matapos ilabas ngisang artikulo ang website ng time kung saan binanggit na gumagamit si Duterte ngsocial media para mai-promote ang kanyang mga agenda at nagbabayad ng mga taopara mapa-angat ang kanyang popularidad.
Giit ni PresidentialSpokesperson Ernesto Abella, pakana lamang ng mga kritiko ang akusasyongnagbabayad ang pangulo ng mga writer o ng sinuman.
Aniya, ang pag-arangkadani Duterte sa online time poll ay dahil sa suporta ng mga tao sa pangulo atresulta ng mga ginagawa nito para sa bansa.
Paliwanag ni Abella, mayilang miyembro ng isang grupo ang nagmamanipula sa media sa Pilipinas at saabroad para muling makuha ang nawalang kapangyarihan at impluwensya.
Batay sa latest tallykahapo, (April 02), si Duterte ay mayroong five percent ng mga boto atnananatiling nangunguna sa online poll.
Ang nasa ikalawangpwesto ay si Russian President Vladimir Putin, na sinundan nina Canadian PrimeMinister Justin Trudaeu, Pope Francis, Microsoft Co-Founder Bill Gates, at Facebookco-Founder Mark Zuckerberg na lahat ay nakakuha ng 3 percent ng mga boto.