Malakanyang, kinilala ang malaking kontribusyon ng mga nars sa panahon ng pandemya

Nagpasalamat ang Office of the Press Secretary sa mga Pilipinong nars sa bansa at sa abroad para sa kanilang serbisyo lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa OPS, hindi mapapantayan ang husay at malasakit ng mga nars sa panahon ng pandemya.

Ang pahayag ay ginawa ng Malakanyang kaugnay ng pagdiriwang ng nurses week ngayong Oktubre.


Matatandaang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isusulong ng kanyang administrasyon ang mga programang makatutulong sa Filipino nurses.

Nangako ang presidente na maghahanap ng paraan para makapagbigay ng tuloy-tuloy na benepisyo sa health workers.

Kabilang din aniya sa tutugunan ng gobyerno ang maliit na sa sahod ng mga nurse sa public at private hospitals gayundin ang hindi patas na distribusyon ng nurses sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments