Malakanyang, kinumpirmang nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte dahil sa ninja cops controversy

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police.

 

Kasunod ito ng pahayag ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa sa isang panayam na nagpahayag ng utmost disappointment ang Pangulo sa ginanap na closed-door command conference nitong Martes.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, binigyang-diin ng Pangulo na dinagdagan o dinoble na nga niya ang sweldo ng mga pulis subalit nangyari pa rin ang nasabing modus.


 

 

Samantala, nilinaw din ni Panelo na walang inanunsyo ang Pangulo kaugnay ng susunod na hepe ng pambansang pulisya.

 

Mababatid na mismong si resigned PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde ay dawit sa ninja cops controversy o yung mga pulis na nagre-recycle ng drogang nasasamsam sa mga ikinasang anti-illegal drug operations.

 

Partikular na inaakusahan si Albayalde ng pagbubulsa o makikinabang umano sa drug raid noong 2013 sa Pampanga.

Facebook Comments