Malakanyang, kumbinsidong hindi aabot sa deklarasyon ng outbreak ang isang naitalang kaso ng dyphteria sa Lungsod ng Maynila

Kumpiyansa ang malakanyang sa ginagawang hakbang ng Dept of Health para mapigilan ang iba’t-ibang sakit na nagkalat ngayon sa bansa.

 

Kabilang na rito ang Dyphteria na natuklasang ikinamatay ng isang bata sa Lungsod ng Maynila.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo na nagkausap na sila ni Health Secretary Francisco Duque at sinabi nitong kontrolado naman ang sitwasyon.


 

Ayon kay Panelo, naniniwala siyang hindi magkakaroon ng Dyphteria outbreak dahil kumikilos naman ang DOH.

 

Ginagawa naman aniya ni Duque ang lahat para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

 

Maliban sa Dyphteria, mataas pa rin ang kaso ng dengue , habang mayroon na ring mga naitalang kaso ng  polio gayundin ng foot and mouth and hand disease sa ilang bahagi ng bansa.

Facebook Comments