Malakanyang, maghihintay na lamang sa tugon ng ICC sa isinampa ng abogado ng self-confessed DDS hitman Edgar Matobato

Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na maghihintay lamang ang kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging tugon ng International Criminal Court (ICC) sa kasong isinampa ng abogado ng self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman na si Edgar Matobato.

Nabatid na bukod kay Pangulong Duterte ay sinampahan din ni Atty. Jude Sabio ng reklamong crimes against humanity ang 11 iba pang kaalyado nito.

Ayon kay Panelo – ang crimes against humanity ay isang sistematiko at malawakang krimen laban sa isang grupo subalit hindi masasabing kasama rito ang diumano’y paratang na extrajudicial killings sa bansa dahil hindi naman ito ipinag-utos ng pamahalaan o state-sponsored.


Ang pagpatay aniya sa mga drug personalities ay kagagawan ng magkakalabang sindikato ng droga.

Kumpiyansa ang kampo ng Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa kasong inihain subalit sakaling tanggapin nila ito ay nakahanda naman silang magpadala ng karampatang kasagutan.
DZXL558

Facebook Comments