Malakanyang, mariing kinondena ang panibagong pagpugot ng Abu Sayyaf Group sa kanilang bihag

29

Manila, Philippines – Kinondena ng Malakanyang ang pagpugot ng teroristang Abu Sayyaf Group sa kanilang bihag na si Noel Besconde noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng dapat gawin para mapanagot ang mga terorista at makita ang katawan ng biktima.

Umapela naman si Abella sa publiko na manatiling mapagmatyag at kaagad na makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling may malamang impormasyon ng banta sa seguridad.

Dapat aniyang magtulungan ang lahat para matiyak na mapapanatiling ligtas at malayo sa banta ng terorismo ang bawat isa.

Facebook Comments