Malakanyang, may bwelta sa pahayag ni Associate Justice Carpio na naging malamya ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea

Manila, Philippines – Sinagot ng Malakanyang ang sinabi Ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na tila nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa China para sa kanilang pag-aangkin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos ang pagiging malamya ng Pilipinas sa nasabing isyu sa ASEAN meeting nitong nakaraang buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – gusto ng pangulo na mapanatili ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China pagdating sa usapin ng ekonomiya.


Pero sinisiguro rin aniya na hindi nakokompromiso ang arbitral rights ng bansa.

Sinabi ni Abella – matagal nang inumpisahan ng China ang reclamation sa pinag-aagwang teritoryo.
DZXL558

Facebook Comments