Malakanyang, may panawagan sa mga grupong magra-rally sa EDSA People Power Revolution Anniversary sa Sabado

74

MANILA, PHILIPPINES – Sinigurado ng Malakanyang na malayang makapagsasagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa February 25.

 

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, magandang maihayag ng publiko ang kanilang mga opinyon at damdamin.

 

Pero umapela naman si Andanar sa mga magsasagawa ng kilos protesta na tiyakin lamang na hindi sila makakaabala sa daloy ng trapiko.

 

Balak ng iba’t ibang grupo na mag-rally sa EDSA People Power Monument sa EDSA-Quezon City.

 

Umapela rin si Andanar sa mga ito na huwag maninira ng mga ari-arian.

 

Bukod sa kilos protesta sa EDSA People Power Monument, ay may ikinakasa ring malawakang pagkilos ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Luneta sa Maynila sa darating na Sabado.

 


Facebook Comments