Malakanyang, muling umapela sa publiko na magpabakuna na bilang proteksyon sa Omicron variant ng COVID-19

70

Muling umapela ang malakanyang sa mga Pilipinong hindi pa nababakunahan, na magpabakuna na bilang proteksyon sa Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay acting spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mahigit 210 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang natanggap ng Pilipinas simula noong February 2021.

Sasapat na ito sa bilang ng mga Pilipinong hindi pa nababakunahan kontra sa COVID-19.


Partikular namang tinukoy ni Nograles ang nasa 1.5 milyong senior citizens sa bansa na hindi pa nababakunahan.

Kahapon, una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na natatakot ito sa Omicron variant ng COVID-19 at sa magiging epekto nito sa 2022 national budget.

Facebook Comments