Malakanyang, nagbabala sa mga LGU na nag-uutos na hindi na obligado ang pagsusuot ng face shield

Nagbabala ang Palasyo ng Malakanyang sa mga alkalde na sumasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga ‘crowded at enclosed spaces.’

Kasunod ito ng pagpapatigil ng lungsod ng Davao, Manila, Iloilo sa pagsusuot ng face shield sa labas ng hospital setting.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng alkalde sa bansa ay nasa ilalim ng kontrol at pangangasiwa ng pangulo kaya’t dapat masunod pa rin ang polisiyang pagsusuot ng face shield.


Aniya, matitigil lamang ang pagsusuot ng face shield kung ipag-uutos ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasabay nito, umapela si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga Local Government Units na hintayin muna ang desisyon ng IATF bago maglabas ng executive order kaugnay sa pagsusuot ng face shield.

Maglalabas pa lamang aniya ng updated recommendation ang mga eksperto hinggil dito bago ipresinta ng DOH sa pulong ng IATF sa Huwebes.

Facebook Comments