Nanganganib ma-kansela ang concessionaire agreement ng Maynilad at Manila Water ayon sa Malakanyang.
Sa kalagitnaan ito ng naka-ambang panibagong krisis sa tubig sa Metro Manila
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kunng mapatutunayang walang ginawang hakbang ang dalawang water concessionaires upang maiwasan ang kakulangan sa suplay ng tubig ay maaaring magpatupad ng drastic measures si Pangulong Duterte.
Kagaya nga nang dati nitong binaggit ay posibleng ibasura ng pangulo ang kontrata ng Maynilad at Manila Water.
Kaugnay nito, pinayuhan ng palasyo ang water concessionaires na pagbutihin ang serbisyo lalo’t ang laging polisiya ng pangulo ay umalis na lamang ang mga ito kung hindi kaya ang kanilang trabaho o tungkulin.
Samantala, sinabi ng Palasyo na kay Pangulong Duterte pa rin ang desisyon kung mayroon itong sisibakin sa pwesto.
Mababatid na nagpapatupad ngayon ng rotational water interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila sa harap ng patuloy na pagbaba ng imbak ng tubig sa Angat Dam.