Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa kaanak ng mga nasawi sa Resorts World incident

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi sa Resorts World Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang insidente sa Resorts World Manila ay isang paalala na walang puwang sa sibilisadong sosyodad ang karahasan.

Ito aniya ang dahilan kung kaya naging sentro sa programa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaban sa kriminalidad.


Kasunod nito, tiniyak ni Abella na ang kaligtasan ng publiko at ng komunidad ang pangunahing isinasaalang-alang ng administrasyong Duterte.

Umapela rin si Abella sa publiko na makipagtulungan sa mga kinauukulan para makamit ang fear-free environment.
DZXL558

Facebook Comments