Malakanyang, Nagpaalala Sa Lahat Ng Presidential Appointees Ng Nagdaang Administrasyon Na Maghain Ng Courtesy Resignatio

3

MANILA – Pinaalalahanan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan at lahat ng Presidential appointees ng mga nakaraang administrasyon na may fixed term na nananatili pa rin ang bisa ng Memorandum Circular #4.Ayon kay Abella, malinaw sa naturang MC na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 22 na kailangang maghain ng courtesy resignation ang lahat ng mga dating Presidential appointee.Pero bukod dito aniya ang mga career official, nasa hudikatura, Constitutional Commission o sa Ombudsman.Matatandaang sa kabila ng abiso na hindi na niya kailangang dumalo sa mga Cabinet meeting, nanindigan si Licuanan na tatapusin niya ang kanyang termino sa 2018.

Facebook Comments