Malakanyang, nagpaalala sa mga aktibidad na pinapayagan at ipinagbabawal sa MECQ areas

Nagpaalala ang Malakanyang sa mga aktibidad na pinapayagan at ipinagbabawal kasabay ng pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, at Bataan.

Ayon sa Malakanyang, bawal ang dine-in, al fresco, personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa MECQ period.

Hindi pa rin pinapayagan ang pisikal na pagpunta sa mga bahay sambahan habang limitado naman ang maaring makapasok na empleyado sa mga trabaho.


Pinapayagan naman ang necrological services, burol ng mga hindi nasawi sa COVID-19 pero limitado lamang ito sa pangunahing miyembro ng pamilya.

Bawal pa ring lumabas ang mga 18 anyos pababa at 65 anyos pataas, may comorbidities, buntis maliban na lang kung essential ang paglabas tulad ng pagbili ng mga gamot.

Bawal rin magbukas ang bar, mga sinehan, mga internet café, bowling alleys, amusement parks, at iba pang uri ng entertainment venues, sports courts at venues, gyms, spas, tourist attractions, libraries, cultural shows, venues for meetings and conferences, outdoor tourist attractions, cockfighting at horse racing.

Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos na mananatili ang curfew hour ng alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Habang papayagan ng muli ang outdoor exercises sa Metro Manila mula alas-6:00 hanggang alas-9:00 ng umaga.

Facebook Comments