Malakanyang, nagpaliwanag kung bakit hindi pa rin naisasabatas ang Bayanihan to Recover as One Act

Kinukonsulta pa ng Malakanyang ang lahat ng stakeholders ng Bayanihan to Recover as One Act.

Ito ang dahilan ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung bakit nagkakaroon ng delay sa pagpasa ng batas.

Paliwanag ni Roque, kasama ito sa ordinaryong proseso na pinagdaraanan ng anumang panukalang batas.


Magkagayunman, sinabi ng kalihim na sa sandaling matapos ang consultation, ay agad itong pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, posibleng sa loob ng linggong ito o hanggang sa susunod na linggo ay mapirmahan na ng Pangulo ang Bayanihan 2.

Nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One ang P165 billion na pondo para sa pagpapatuloy ng COVID-19 response ng pamahalaan kasama na rito ang pondo para sa pagbili ng bakuna laban sa virus.

Facebook Comments