Malakanyang, nakahanap na ng pondo para sa ECQ ayuda

Mayroon nang paghuhugutan ang Malakanyang ng pondo na siyang gagamitin para sa financial assistance sa National Capital Region (NCR) na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magsisimula sa Biyernes, August 6 hanggang August 20, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, may direktiba na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) na kunin ang savings ng mga ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng Executive Department para pondohan ang ECQ ayuda.

Ani Roque, aabot sa 13.1 bilyong pisong pondo ang kakailanganin para mabigyan ng financial assistance ang may 10.7 milyong indibidwal na kumakatawan sa 80 porsyentong mga naninirahan sa NCR.


Una nang sinabi ng Palasyo na makakatanggap ng tig-iisang libong piso ang bawat kwalipikadong residente ng NCR at hindi lalagpas sa apat na libong piso sa kada pamilya na lubos na apektado ng 2 linggong lockdown.

Facebook Comments