Malakanyang, nanindigan mas pinaigting ng administrasyon ang kampanya kontra droga

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malakanyang na lalo pang paiigtingin ng administrasyong Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga.

Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, asahan na ng publiko ang walang tigil na operasyon laban sa iligal na droga.

Ginawa ni Abella ang pahayag matapos ang ginawang raid sa bahay ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. kung saan mahigit sampung tao ang napatay kabilang na ang misis ni Mayor Parojinog na si Susan ang kapatid na si Board Member Ricardo Parojinog.


Bukod sa mga baril at Granada, nakuha ng mga otoridad sa bahay ng mga Parojinog ang mga hinihinalang shabu.

Matatandaang kasama si Mayor Parojinog sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments