
Hindi bawal at ilegal ang pagpapaturok ng bakuna na hindi rehistrado.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque makaraang aminin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang mga sundalo ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.
Paliwanag ni Roque, ang ipinagbabawal lang sa ilalim ng batas ay ang pagbebenta ng unregistered vaccines at distribution nito.
Pagtitiyak pa ng kalihim na ligtas ang Sinopharm na itinurok sa ilang mga sundalo dahil mayroon na itong emergency use approval mula sa China magmula pa noong Hulyo.
Kasabay nito, nilinaw ni Roque na hindi binili bagkus idinonate ang mga bakunang itinurok sa mga sundalo pero wala itong maibigay na karagdagang impormasyon kung sino ang nag-donate ng mga bakuna at yung ginawang proseso ng pagbabakuna sa mga sundalo.
Maliban sa mga sundalo, una na ring kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Chief Eduardo Año na ilang cabinet members at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na ng anti-COVID-19 vaccines.