Malakanyang, nanindigang seryoso ang Pangulong Duterte sa banta nitong pag-okupa sa lupain ng mga oligarchs sa bansa

Manila,Philippines – Seryoso si Pangulong Duterte sa kanyang banta sa mga oligarchs na hindi nagbabayad ng buwis na kakamkamin ang kanilang mga lupain para ipamigay sa mahihirap.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella Kaugnay ng naging pahayagng pangulo na uutusan niya ang sambayanang pilipino na okupahan ang mga lupaing pag-aari ng mga ito.

Paliwanag ni Abella, nagbigay lamang ng babala ang pangulo sa mga tax evaders at taxcheaters.


Magugunitang binatikos ni duterte ang mga oligarchs sa kanyang Labor Day message mula sa DavaoCity dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Facebook Comments