Natuwa ang Palasyo sa mataas na trust ratings ng 10 ahensya ng gobyerno, batay sa resulta ng PUBLiCUS survey para sa ikatlong quarter ng 2022.
Ayon kay Office of Press Secretary (OPS) officer-in-charge (OIC) Usec. Cheloy Garafil, ang 10 tanggapan na nakakuha ng pinakamataas na trust ratings at ang mga ito ay direktang nagseserbisyo sa publiko.
Ang Armed Forces of Philippines (AFP) ay nakatangap ng pinakamataass na trust rating o 57%, 56% sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at 55% sa Department of Education (DepEd).
Sinundan ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong 53%, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakatanggap ng 49% habang 48% naman para sa Commission on Higher Education (CHED).
47% trust rating para sa Department of Science and Technology (DOST), 45% sa Department of Health (DOH), at 44% para sa Department of Tourism (DOT), habang 44% na trust rating rin ang natanggap ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Para kaya Garafil, nangangahulugan lamang ito na ramdam ang gobyerno ng mga ordinaryong Pilipino.