Malakanyang, nilinaw na hindi binabaliktad ni P-Duterte ang pahayag sa mga ari-arian

9

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na hindi binabaliktad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag tungkol sa kanyang mga ari-arian.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipinaliwanag lang ng pangulo kung paano umunlad ang kanilang pamilya.

Matatandaang noong Huwebes (Feb. 16) ay sinagot ni Pangulong Duterte ang mga alegasyon ni Sen. Antonio Trillanes hinggil sa umano’y ill-gotten wealth nito.

Dito ay iginiit ni P-Duterte na nag-iwan ang kanyang ama na si dating Davao Gov. Vicente Duterte ng mana at hindi sila mahirap

Pero taliwas ito sa mga naunang pahayag ng pangulo nang sabihin niyang mahirap lamang ang kanilang pamilya sa Davao City.

Paliwanag pa ni Abella, walang masyadong pera ang pamilya ng pangulo lalo pa’t governor employees ang karamihan sa kanila.

Pero sa paglipas ng panahon aniya ay nakapag-ipon naman ang mga ito.

 

tag: Luzon, Manila, DZXL 558, Pangulong Rodrigo Duterte, Ernesto Abella, Sen. Antonio Trillanes, Malakanyang

Facebook Comments