Kasunod ito ng utos ni Pang Rodrigo Duterte na ihinto ang pag-aangkat ng bigas upang matulungan ang mga magsasaka.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na hindi na kailangang ipatigil pa ang pag-aangkat ng bigas.
Marahil ay napagpaliwanagan ng agriculture chief si Pangulong Duterte.
Sa ngayon, ayon kay Panelo, ang gagawin na lamang ay ang pagpapatupad ng mas mahigpit na requirements sa rice importation.
Sa panig naman ng mga magsasaka, tiniyak ng palasyo na makatatanggap sila ng subsidy o ayuda mula sa pamahalaan.
Bukod pa riyan, isinusulong rin ng pangulo ang pagbili ng palay ng local farmers.
Binigyang-diin ng palasyo ang pahayag ng pangulo na kahit malugi ang gobyerno ay balewale basta’t mabili lamang ang ani ng mga magsasaka.