Malakanyang, nilinaw na mas mataas ang tiyansang makabalik sa operasyon ang mga UV Express kaysa sa traditional jeepney

Nilinaw ng Malakanyang na mas mataas ang tiyansa na makabalik sa operasyon ang UV Express vans kaysa sa traditional Public Utility Jeepneys (PUJs).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa iisang direksyon lang kasi nakaharap ang mga sasakay sa UV Express hindi tulad ng mga jeepney na magkakaharap ang mga pasahero.

Pinag-aaralan pa aniya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibilidad na makabiyahe ang traditional PUJs.


Samantala, nadagdagan naman ng 165 modern jeepney na bumabiyahe ngayong araw maliban pa sa 308 modern jeepney na unang nakabiyahe noong Lunes.

Paliwanag ni Department of Transportation (DOTr) Senior Consultant Alberto Suansing, binuksan pa ang siyam na panibagong ruta para sa mga modern jeepneys.

Sa ilalim ng umiiral na guidelines, 50% lamang ng kabuuang kapasidad ng modern jeepneys ang maaring pasakayin para sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Facebook Comments