Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang kalayaan ng korte na humahawak sa drug case ni Senador Leila de Lima.
Kasunod ito ng pagbawi ni dating Bureau of Corrections Officer-in-Charge Rafael Ragos sa kaniyang naunang salaysay at sinabing pinilit lamang siya para idiin sa illegal na droga si De Lima.
Ayon kay acting Presidential Spokesman Martin Andanar, patuuloy na pinagkakatiwalaan ng Palasyo ang mga korte lalo na ang Department of Justice (DOJ) at ang National Prosecution Service (NPS) para gampanan ang kanilang tungkulin.
Batay sa affidavit ni Ragos, sinabi nito na pinilit lamang siya noon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre para tumestigo laban kay De Lima.
Nakulong si De Lima noong 2017 dahil sa umanoý pagtanggap ng pera sa drug lord na si Kerwin Espinosa.
Nauna na ring binawi ni Espinosa ang salaysay nito at sinabing wala siyang ibinibigay na drug money sa senadora.