Malakanyang pabor sa panukalang, kanselahin na ang passport ng tinaguriang drug queen na si brgy captain Guia Gomez Castro

Pabor ang malakanyang sa paghimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ng tinaguriang drug queen na si dating barangay 484 zone 48, Manila Captain Guia Gomez Castro.

Kasunod ito ng pahayag ni Drilon na maituturing nang pugante si Castro na kumpirmadong lumipad patungong Bangkok, Thailand nitong Setyembre a-bente uno.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayruon ng warraht of arrest si Castro kaya’t magandang ideya kung kakanselahin na ang passport nito.


Una nang hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) at national government ng Thailand na arestuhin ang Manila drug queen.

Si Castro ay inaaakusahang buyer at distributor ng mga illegal na droga mula sa ninja cops o mga pulis na sinasabing nagrerecycle ng drogang nasasamsam sa illegal drug operations.

Facebook Comments