Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko hinggil sa lagay ng kalusugan ng pangulo matapos ang aksidente sa motorsiklo nitong isang linggo

Presidentiable ROdrigo Duterte, looks at the Philippine Flag during the meeting de avance at QUirino GRandstand in Manila, May 7, 2016. (Mark Balmores)

Walang dapat ipag alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Kasunod ito ng nakitang paggamit ng tungkod ng pangulo sa Japan at ang mapapa-agang pag uwi nito sa bansa.

 

Sa opisyal na pahayag ng Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Atty Salvador Panelo na prioridad ng pangulo ang kanyang kalusugan para maipagpatuloy ang pagsiserbisyo sa bayan.


 

Ayon kay Panelo, ngayong gabi o early evening ay babalik na sa bansa ang Pangulo at hindi na dadalo pa sa court banquet at prime ministers banquet.

 

Bukas aniya, Oktubre a-bente tres,  nakatakdang magpakonsulta ang pangulo sa kaniyang neurologist,  bunsod na rin ng nararamdamang sakit sa kaniyang gulugod malapit sa kaniyang pelvic bone, resulta ng pagkaka aksidente nito sa motorsiklo noong isang linggo.

 

Facebook Comments