Malakanyang, pinayuhan ang Amnesty International na makipag-ugnayan sa pamahalaan

Hinihikayat ng Palasyo ang Amnesty International na makipag-ugnayan sa pamahalaan at sa Presidential Human Rights Committee Secretariat upang matalakay at maresolba ang kanilang mga concern at valid issues.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng Amnesty International Report 2021 – 2022, kung saan nakasaad na ang kawalan umano ng accountability ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang mga pagpatay at iba pang human rights violation sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon.

Ayon sa kalihim, copy-paste collection ng mga dati ng isyu at argumento ng mga kritiko ng Duterte administration ang nilalaman ng ulat na ito.


Nakakalungkot aniya na hindi man lamang nakipag-ugnayan ang Amnesty International sa pamahalaan ng Pilipinas upang beripikahin ang mga hawak nilang impormasyon.

Facebook Comments