Malakanyang pinayuhan ang publiko na mag-ingat at manatiling alerto kasunod nang pananalasa ng bagyong Tisoy

Pinapayuhan ng palasyo ang mga Pilipino sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Tisoy na manatili na lamang sakanilang mga tahanan.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makabubuti rin na makinig ang mga ito sa payo ng mga awtoridad at impormasyon mula sa mga local government units.

 

Matatandaan na sa ginanap na cabinet meeting kagabi, tiniyak ng NDRRMC na nakalatag na ang mga inihandang relief goods at mga gamot, police at military assistance at iba pang tugon na kakailanganin ng pagkakataon.


 

Ilan sa mga nakakaranas ng epekto ng bagyong tisoy ay ang Bicol Region, Romblon, Marinduque, Mindoro Provinces, CALABARZON, Bataan, Pampanga, Bulacan at Metro Manila.

Facebook Comments