Ipinagtataka ng Malacañang kung bakit hindi nababawasan ang bilang ng mga Pilipinong tumatangging magpabakuna batay inilalabas ng ilang survey firms.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, taliwas ito sa nakikita nila sa paglilibot sa iba’t ibang lugar na marami ang nagnanais na mabakunahan na para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.
Aniya, nagkakaproblema lamang sa vaccination site dahil sa kinukulang na supply ng mga bakuna.
Giit pa ni Roque, nawawala na ang mga agam-agam ng publiko lalo na kapag nakikita ang kanilang kapitbahay na nabakunahan na laban sa COVID-19.
Facebook Comments