MANILA – Pumalag ang Malacañang sa pahayag ng China na isang “political arrogance or legal prejudice” ang panggigipit ng Pilipinas sa kanilang bansa kaugnay ng inihaing kaso sa Permanent Court of Arbitration hinggil sa territorial dispute sa West Philippine Sea.Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr. – tama lang ang ginawa ng Pilipinas at ito’y suportado ng maraming bansa kung saan kabilang na rito ang Estados Unidos at mga bansang bumubuo ng tinatawag na G7.Paliwanag pa ng kalihim, sa pagtatapos ng Asean-US Special Summit sa California noong Pebrero 2016, napagkasunduan ng lahat ng lider ng asean kasama si us president Barack Obama ang ilang batas.Giit ni ng kalihim – ito ang posisyon ng Pilipinas sa pagsusulong sa mapayapa at rules-based approach.Aniya – bilang bahagi ng international community, ang paghahain ng Pilipinas ng petisyon sa Permanent Court Arbitration ay isang matibay na pagpapatunay sa pagtataguyod ng nasabing prinsipyo.
Malakanyang – Pumalag Sa Pahayag Ng China Na Isang “Political Arrogance Or Legal Prejudice” Ang Kasong Inihain Ng Pilipi
Facebook Comments